Iginawad ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) ang pagkilala at pasasalamat sa J. Amado Araneta Foundation. Tinanggap noong ika-29 ng Oktubre 2025 ni Diane Romero, JAAF Executive Director, kasama si Glenda Carlota (Deputy Director) at Gari Apolonio (Gallery Curator), ang simbolo ng pagkilala.

Ang paggunita at programa ay ginanap sa Metropolitan Theater bilang paggunita sa Dekada ng Kasaysayang Pilipinas at ika-92 na anibersaryo ng National Historical Commission of the Philippines.

Binabati ng J. Amado Araneta Foundation ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas!